Nakalulungkot isipin na ang isang kinikilala at dinadakila nating mang-aawit ay nagpapahayag ng kanyang pamamaalam sa larangan ng musika. Isang dakilang mandirigma ng sining na nagpapalago ng mga bunga ng buhay na ang inuungkat ay kalimitang pangyayaring nagsasalamin sa buhay ng bawat Pilipino.
Narito ang kanyang pahayag sa kanyang huling album...
"50 years old na po ako, 33 years nang musikero, di pa rin naging rock star. Panahon nang maghagilap ng bagong career. Yamang ito na po ang huli kong album, hayaan nyong samantalahin ko na ang pagkakataon para magpasalamat sa aking mga ilang dosena ring mga fans. Bilang ganti, nangako ako sa sarili ko na gumawa ng munting “graduation” album na ubod nang ganda hehe, at nang sa ganun mapamanahan ko mang lang kayo ng harinawa’y kasisiyahan ninyo nang matagal. Para naman sa mga bagong biktima na ngayon pa lang ako nakadaupalad, at magustuhan ang album na ito, marami pa po akong mga albums na nakatitiyak akong kagigiliwan nyo rin hehe.
Sa album na ito ay may isang kantang anthem ng isang maliit na bayan. Laking tuwa ko at pasalamat sa pagkakataong ito. Baka nga ito na lang muna ang kontribusyon ko sa daigdig ng musika, tagagawa ng mga anthems ng mga munisipyo, eskwelahan atbp. Higit sa lahat, pasasalamat sa Poong Maylikha sa napakagarang regalo niya sa akin. Sulit na sulit ang buhay ko, lalo na sa pagsusulat ng mga kanta na walang nagdidikta.
Galing ano po...
.
Basurero ng Luneta
01 Emcee 2009 DOWNLOAD
02 San Simon 2008 DOWNLOAD
03 Natutunan sa Buhay 2008 DOWNLOAD
04 Isang Araw 2009 DOWNLOAD
05 Pablong Propitaryo 1990/2009 DOWNLOAD
06 O Kaysarap 1992/2009 DOWNLOAD
07 Tulad ng Dati 2009 DOWNLOAD
08 Basurero ng Luneta 2009 DOWNLOAD
09 Buti na Lang 2005 DOWNLOAD
10 Maco 2009 DOWNLOAD
http://www.facebook.com/photo.php?fbid=275294469183578&set=a.275287702517588.66655.250959084950450&type=3&theater
ReplyDeletesir link po sa Win98
http://www.facebook.com/media/set/?set=a.275287702517588.66655.250959084950450&type=1
ReplyDeletePC Software
No. 1 fan talaga si Sir. :)
ReplyDeleteastig tlga si Sir.romy...hehe :D
ReplyDeleteyour awesome men.!!!!!!
ReplyDelete