Isang kabanata sa buhay ng bawat tao partikular sa mga Pilipino ay ang semonya ng Kasal. Ilang siglo na ang nagdaan subali't tila hindi ito mabura-bura sa aklat ng bawat buhay nating mga Pilipino. Patunay lamang na magpahanggang ngayon, mataas ang paggalang natin sa seremonya ng kasal.
Subalit bago pa itadhana ang dalawang magsing-irog, nagsisimula ito sa mga awiting nagpapalambot at nagpapakilig sa mga dilag.
Most of the Pinoys living outside the Philippines, for sure, love this music of Gary Granada. Ang hirap kaya mamuhay at makisalamuha sa ibang bansa. Although I never experience it yet, ramdam ko ang kanilang pananabik sa kanilang bayang sinilangan. Maraming forums ang pinasukan ko, at kapag nalaman nilang Pinoy ka, i-a-add ka nila agad at dali daling magsesend ng friend request. Ganyan ang nakikita ko sa buhay ng ating mga kababayan sa abroad. Para silang Saranggola ng nagpipilit sa paglipad sa gitna ng malakas ng ulan. Para po sa ating mga kababayan abroad...... hayaan po ninyong ilahad ko po rito ang tatlong bagay na napapaloob sa musikang Saranggola sa Ulan:
Nakalulungkot isipin na ang isang kinikilala at dinadakila nating mang-aawit ay nagpapahayag ng kanyang pamamaalam sa larangan ng musika. Isang dakilang mandirigma ng sining na nagpapalago ng mga bunga ng buhay na ang inuungkat ay kalimitang pangyayaring nagsasalamin sa buhay ng bawat Pilipino.
Narito ang kanyang pahayag sa kanyang huling album...
"50 years old na po ako, 33 years nang musikero, di pa rin naging rock star. Panahon nang maghagilap ng bagong career. Yamang ito na po ang huli kong album, hayaan nyong samantalahin ko na ang pagkakataon para magpasalamat sa aking mga ilang dosena ring mga fans. Bilang ganti, nangako ako sa sarili ko na gumawa ng munting “graduation” album na ubod nang ganda hehe, at nang sa ganun mapamanahan ko mang lang kayo ng harinawa’y kasisiyahan ninyo nang matagal. Para naman sa mga bagong biktima na ngayon pa lang ako nakadaupalad, at magustuhan ang album na ito, marami pa po akong mga albums na nakatitiyak akong kagigiliwan nyo rin hehe.
Sa album na ito ay may isang kantang anthem ng isang maliit na bayan. Laking tuwa ko at pasalamat sa pagkakataong ito. Baka nga ito na lang muna ang kontribusyon ko sa daigdig ng musika, tagagawa ng mga anthems ng mga munisipyo, eskwelahan atbp. Higit sa lahat, pasasalamat sa Poong Maylikha sa napakagarang regalo niya sa akin. Sulit na sulit ang buhay ko, lalo na sa pagsusulat ng mga kanta na walang nagdidikta.